BABY NABIGTI SA DUYAN PATAY | NAABUTAN NG NANAY NA ANG BATA AY NAKABIGTI NA SA DUYAN!
- Get link
- X
- Other Apps
MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang datnan ng ina ang kanyang sanggol na nakabigti sa duyan nito sa loob ng kanilang tahanan sa Baseco, Compound, Port Area, Maynila, inulat kahapon.
Kinilala ang biktimang si Rovelyn Abriu, isang taon at isang buwang gulang, residente ng No. 076 Block 18, 2nd St., Port Area, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Michael Marragun ng Manila Police District-Homicide Section, noong Huwebes ng alas-10:50 ng umaga nang madiskubreng patay na ang sanggol, sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon, nabatid na nakahiga ang biktima sa duyan na iniwan umano ng inang si Rosalinda upang mangutang ng bigas.
Ibinilin umano ni Rosalinda sa mga anak na sina Rommel, 9-anyos at Rolando, 6-anyos, para magbantay dahil gising ang sanggol subalit lumabas ang magkapatid at nakipaglaro sa kapitbahay.
Nang bumalik sa bahay si Rosalinda ay tinawag ang mga anak na walang sumasagot kaya inakyat ang bahay at nakita na nakabigti na sa nylon na duyan ang beybi.
Inalis sa pagkakabigti at itinakbo sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang anak na idineklarang patay.
Bakat sa leeg ng biktima ang pagkakasakal ng nylon na duyan.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment